Minsan tinanong si Aia de Leon ng Imago: Anong ginawa mo para pumayat? From the three years difference kasi ng huling pag pose niya sa litrato upang lumabas sa takip ng unang cd nilang Probably Not but Most Definitely, ay lumabas siya sa Take Two–ang kanilang matagal na pinaka-inasam na karugtong sa kanilang career bilang mga dakilang musikero na hindi nagbibigay ng kumpromiso sa karapat dapat na produkto ng kanilang talento—na sobrang laki ng ipinayat. Bagamat hindi naman siya naging sobrang buto’t balat, at bagamat tatlong taon ang pagitan simula nang huling inilabas ang cd inlay, naging prominente naman ang laki ng diperensya mula sa dati niyang pigura.
Anong ginawa mo para pumayat?
Ang kanyang isinagot: Madepress. Madali ka kasing papayat pag depressed ka.
Ah. Madali lang naman pala.







January 28th, 2008 at 4:17 pm
Ah… e… tumaba ako nun eh.
February 2nd, 2008 at 7:57 am
Pumayat ako last week!