Minsan mali talagang di ako nagbabasa ng email. Di ko tuloy kaagad nalamang tapos na pala ang Manila Pride Fest noong October which got extended till November 6. E anong araw na ngayon. *heaves big sigh*
Alam nyo kung paano ko naalala? Westlife on eternal repeat sa players dito sa office. Parang diarrhea lang.
+++++++++++++++++++++++++
Speaking of which, I was stalking reading K’s blog kanina thinking K may have written something about me. Nagkausap kasi kami the past days and I was in this yabang optimism that there might be something about me in the pages.
Pero. Cryptic ang mga sulat. Sigh. Wag na nga.
Sadly, I still haven’t told K how sorry I am about everything that could’ve happened but didn’t. No, I really am. We still could have been friends. Kinakabahan nga ako dahil K seems to be frequenting the scene, eh baka magkasalubong kami, dedmahin ako or worse, takbuhan. OR, pwede rin namang harapin, pero tratuhing basahan. Somehow, I do deserve that, I just wish that still, it wouldn’t happen.
Sus. Eh ano ba naman ang problema ko. Kelan ba naman ako ulit nag gig?
+++++++++++++++++++++++++
AT, dahil pinaguusapan na rin natin ang gig, nasendan ako ng updater kong si Toti Filoteo ng Saffron Speedway na may something this November 17 sa Katipunan: Ev(e)olution, a poetry reading, art session/gig setup that promises “this ain’t your usual exclusive party, yo.” Suicidal na naman ba ito. Bukod sa ang layo nung lugar, hindi ko pa sha saulado (dahil SaGuijo lang ang puntahan ng tamad–10minutes lang, ayus na. Eh from work nga, lakarin lang pwede na), at…wala na naman akong kakilala. Parang gatecrasher na naman.
Di bale kung sa tuwing gagawin ko yun, eh nakahubad ako para bongga. Eh hindi pwede. Samahan nyo na lang ako, para masaya.

