Minsan
sa isang gabi na pinuno
ng mga damdaming
napilitang di umamin,
hinagkan ko
ang mga lumalandas na mga luha
mula sa iyong mga mata;
pigil hiningang
pilit unawain ka
sa bawat hikbi
namumutawi ang pagsintang
iniiyak maiparating.
Ngunit sa pagkalat ng alat
sa mga labi
ay kasama ang pait
ng katagang inihip sa hangin;
inasam na ikaw
(ikaw nga kaya?)
ang hinahanap
(ikaw nga kaya?)
para sa mga huling hininga
sa bawat paghabol
ng tingin
ay nawala ka na lamang ng
tuluyan.
(ikaw pa rin nga kaya?)
Hindi na ikaw
(hindi na)
ang kabuuan,
(hindi na)
hindi na ikaw
(hindi na)
ang katapusan.
(isang masakit na alaala lamang ang iniwan)
(putanginamo)










December 6th, 2006 at 11:06 pm
shit. i love it. did you write this? ganda naman. i bow to the sentiment.
December 7th, 2006 at 2:43 am
yup. may bunga rin pala ang boredom sa workplace. hehe. Last week pa iyan, di ko lang natapos kaagad kasi lumilipat ako ng ibang computers minsan.
December 14th, 2006 at 10:34 am
kailangan talagang tumula? hehe. miss you jc.