Mahirap maging polite. Aminado ako dun.
Pero putangina. Sawang sawa na ako sa iyo. Matagal ka nang ganyan, e. Araw araw na lang.
Nagmamakaawa na ako sa kung sino mang makakarinig ng bulong kong sumisigaw na kung pwedeng tumigil ka na, pero hindi. Lagi kang ganyan. Wala naman akong magawa dahil andito ka na, eh. At nandito na rin ako. Mahirap man tanggapin.
Pero putangina naman. Tigilan mo na ang kabobohan mo. Parang awa mo na. Nakakainis makinig sa utak na walang laman. Ang yabang yabang mo pa mag comment. Putangina, hindi groundbreaking ang comments mo. Nowhere near sense nga bawat salitang lumalabas sa bibig mo. Nakakatulig, pero wala naman akong magawa. Nagiisip lang akong magpasensya. Iniisip ko lang na malapit na naman ang paghihiwalay eh. Mapupunta ka na sa ibang grupong magtitiyaga sa iyo. At matatawa na lang ako para sa kanila. Mali–hahalakhak ako para sa pait at hirap at pagtitiyaga na dadanasin nila habang kasama mo sila. Tatawa na lang ako dahil masama man pero maiisip kong nakabawi na ako. Pero ngayon, ayoko na. Ayoko na ng sandamakmak mong reklamo. Eh putangina, bakit ba pinili mo pang pumasok rito at magtrabaho para sa ************* kung ayaw mo rin naman dito? Kung puro airhead na comments ang ibabato mo? Magthetheorize ka pa: bakit ganito ganito ganito? Putangina, kahit batang 5 year old na may sense kayang sagutin ang mga tanong mong feeling deep. Debatable na nga ang word na dense para sa iyo, eh. Kasi mas malabo ka pa dun. Nakakahiya ngang gamitin pa sa iyo ang word na iyon. Mali: Nakakahiya para sa word na iyon ang maikabit ito sa iyo.
Tama na. Putanginamohindikanatalaganakakatuwakungpwedetumahimikkanalangever. Tama na. Bawal na ang sobrang tanga. Parang awa mo na.









