Due to some stupid turns of events, nandito ako ngayon sa ATC at sinusubukang palitan ang settings ng lintik kong website. Kasi naman. Tanginang banner yan sa taas. Kahit anong mahika ang gawin ko, ayaw matanggal. Mas magaling talaga sila.
So anong solusyon? Ang sarap sana bayaran na lang yung subscription, kasi $1 and something something lang ang presyo per month. More than 15 MB pa yung space. Di ko na nga tinandaan yung iba kasi yung ads lang ang inintindi ko. Nag na-narrow yung vision ko dun sa highlight na “NO ADS” at dun sa check mark na katabi nito.
Ang kaso? Wala naman akong Visa at kung ano pang widely accepted credit card na pwedeng pang international. At hindi pa rin ako pwede magkaroon dahil ang KA-LECHEHANG CITIBANK AY TUMATANGGAP LANG NG SUBSCRIBERS NA OVER 21 YEARS OF AGE AT MANGYAYARI LANG IYON AFTER MORE THAN 5 MONTHS. Kung tumatanggap ba sila ng debit card e di sana ayos na. Pero hindi! Kailangang pahirapan muna nila ako! Edi sana wala na rin akong nira-rant ngayon.
So magaayos lang muna ako ng link. Bahala na pag nasolusyonan ko ito. Ingat kayo.